Sabi saken ng isa sa mga estudyante na inobserbahan ko ng klase.
Panay tingin ang mga bata, nagtataka kung sino ako at bakit ako nandun. Yung iba, kumakaway pa saken tipong akala mo walang guro sa harapan. Nakakatuwa lang isipin na ang laki ng epekto ng presence mo kahit nakaupo ka lang sa likod ng isang klase at nag-oobserba. Buti nalang, pinakilala ako sa mga estudyante bilang isang guro (naks!) kung kaya’t tinanong ako kung babalik ba ako sa mga susunod na araw. Gusto ko sanang sabihin na, “Oo! Babalik ako!” kung maaari lang. E kaso, hindi ko pa panahon para mag-off campus teaching at madami akong kailangan asikasuhin sa unibersidad. ;_;
Nagpapa-salamat parin ako at ang dami kong naumpisahang mga gawain sa araw na ito. Kahit na pilit na pilit akong gumising ng 6AM para lang pumunta ng maaga sa isang pampublikong paaralan dahil wala naman talaga akong klase ngayon. Super worth it.
Btw, Ash Wednesday ngayon. Tara, simba tayo. :-)